
“Kaya ko pa pala”: Balik sa automotive training si James Bayantong matapos ang walong taon
Walong taon matapos ang huli niyang training, kabado si James Carlo Bayantong na bumalik sa klase. Sa tulong ng SKIL program ng PSFI, binalikan niya ang hilig niya sa mga sasakyan. Ngayon, mas may tiwala na siya sa sarili habang nagagamit niya ang natutuhan niya bilang trainee sa isang Shell Mobility station.

