Welded Hearts: Pagpapanday sa Pinagtagpong Puso

Sa welding, hindi lang pala metal ang naipagdudugtong—pati na rin ang mga puso. Napatunayan ito ng mag-asawang Rina at Roland, dating mga iskolar ng Sanayan sa Kakayahang Industriyal (SKIL). Halos sampung taon na ang nakalipas noong sila ay unang magkakilala. Sino ang mag-aakalang ang kanilang spark ang huhulma ng isang matibay na pagsasama.

Maligayang buwan ng pag-ibig! Ngayong Pebrero, samahan niyo kaming maging kupido sa iba’t ibang kwento ng pag-ibig.