Mula sa Maliit na Tindahan Patungo sa Mas Matatag na Kinabukasan: Ang Kwento ni Alma Cajan

Sa pamamagitan ng Roots to Shoots (RTS) Pasacao 2.0 Program, na ipinatutupad ng Pilipinas Shell Foundation, Inc. sa suporta ng Metrobank Foundation, Inc., unti-unting nababago ang buhay ni Alma Cajan. Mula sa masustansyang pagkain para sa kanyang anak hanggang sa pagpapalago ng kanilang sari-sari store, ipinapakita ng kanyang kuwento kung paano ang kaalaman at oportunidad ay maaaring magbukas ng daan tungo sa mas matatag na kinabukasan.