Stories of inspiration

Dalawang Dekada ng Pagkalinga at Pagtulong Laban sa Malaria

Taong 2003 nang magsimula si Marites “Tess” Manderi na magtrabaho sa Lingap sa Kalusugan (LIKAS) ng Palawan, isa sa mga naunang programang pangkalusugan ng Pilipinas Shell Foundation (PSFI). Isang lisensyadong nars na may puso para sa paglilingkod, nagpatuloy si Tess bilang Project Officer (PO) ng Movement Against Malaria (MAM) noong 2008. Nangyari ito matapos magkaroon ng pagkakataon ang PSFI na palawakin ang sakop ng programa sa tulong ng The Global Fund (GF). 

Isa ang Palawan sa mga probinsya na may mataas na kaso ng Malaria sa Pilipinas. Pinakanaapektuhan ng nakamamatay na sakit ang mga katutubong naninirahan sa malalayong bayan ng Palawan, lalong-lalo na sa katimugang bahagi ng lalawigan. Kinakaharap ng mga katutubo ang kawalan ng malapit na pagamutan, suplay ng gamot, at sapat na impormasyon kung paano maiiwasan ang Malaria. Malaking pagsubok din sa Malaria team ang nakagisnang konsepto at paniniwala ng ilang katutubong Palaw’an sa pagkakaroon ng sakit at sa kamatayan. Ilan lang ito sa mga suliranin na kailangang bigyan ng solusyon ng Malaria team na kinabibilangan ni Tess bilang PO. 

Bukod pa rito ang hamon sa pagbalanse ng kanyang personal na buhay at mga tungkulin, lalong-lalo na kapag kinakailangan niyang gumawa ng fieldwork na malayo sa kanyang pamilya. Maraming pagkakataon na rin na PSFI Malaria team ang kanyang nakakasama sa pasko at ibang pagdiriwang imbis na ang kanyang anak at asawa. Ngunit sa kabila ng mga ito, malugod niyang ipinagpapatuloy ang paglilingkod sa mga komunidad upang mailayo sila sa Malaria. Ito na ang itinuturing niyang calling o misyon sa buhay. “More on sa passion talaga ako. Kung saan tingin ko may impact ako,” wika niya.

Isa si Tess sa mga tumutulong mapangasiwaan ang field operations ng MAM. Sinisigurado niya ang maayos na pagpapatupad sa mga aktibidad ng programa sa tamang oras at panahon. Kabilang din sa kanyang mga tungkulin ang makamit ang pagbaba ng mga kaso ng Malaria sa Palawan at ang pagsuporta sa mga teknikal at pinansyal na aspeto ng MAM. 

Ayon kay Tess, kailangan na tutok sa trabaho at hands-on ang isang PO sa fieldwork. Bukod sa kakayahang tuparin ang trabaho, malaking aspeto rin ang pagkakaron ng pag-unawa at mahabang pasenya dahil iba ang kultura at pagtingin ng mga katutubo sa sakit na Malaria. Kailangan din ang tapat na puso sa paglilingkod at pagkalinga, na may tunay na malasakit sa kapwa, dahil ito ang nagdadala ng magandang samahan at pakikitungo sa kanyang mga pinaglilingkurang komunidad.

Dalawang dekada nang katuwang si Tess ng PSFI sa mga proyektong pangkalusugan. Sa 15 taon niyang serbisyo sa MAM, maraming karanasan na ang humubog at nagpalakas sa kanyang pagkatao. 

Ibinahagi niya ang isang di makakalimutang karanasan sa Sitio Dapdap, isang malayong lugar na nakatago sa mga bundok sa Palawan.

Hindi madaling puntahan ang Sitio Dapdap, tanging mga kasapi lang ng tribo ang tinatanggap dito. Upang makilahok ang mga taga rito, kinakailangan ang masinsinang pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa pinakamataas na pinuno ng tribo.

Nang maramdaman nila ang sinseridad ni Tess sa kanyang ginagawa, unti-unti naman niyang nakuha ang kanilang tiwala.  Malaking pasasalamat ni Tess nang bigyan siya ng pahintulot na pumasok sa lugar. Ito’y isang tagumpay na nagbigay ng kasiyahan sa kanya.

Kinailangan nilang maglakad ng 10-12 na oras at tahakin ang mga matatarik na daan at rumaragasang ilog upang marating ang lugar.

Pagdating nila’y nasaksihan niya ang mahigit dalawampung residenteng may Malaria. Ang ila’y malubha na ang karamdaman. Agad silang pinainom ng gamot ni Tess at inalagaan haggang sila ay mag negatibo sa Malaria. Nakita ng mga taga-Dapdap ang pagmamalasakit ni Tess sa mga may sakit at kung paano niya inaruga ang mga ito hanggang sa gumaling. Dahil dito, mas lalo siyang tinanggap sa komunidad at ilang beses na rin siyang nakakabalik. Naging malapit siya sa mga Palaw’an at gayundin sila sa kanya. Ngayong ibang komunidad na ang kanyang hinahawakan, hinahanap pa rin siya ng mga tao rito.

Bukod sa pagbibigay ng gamot sa mga positibo sa Malaria, tinuturuan ng MAM ang mga residente na maging community workers na may kakayahang magsagawa ng Malaria testing. Sa pamamagitan ng mga training, nagiging mas handa ang komunidad na harapin ang mga problemang pangkalusugan. 

Nabubuhayan ng loob si Tess na ipagpatuloy ang pagiging PO tuwing nakikita niya ang pag-unlad ng mga komunidad sa aspeto ng kalusugan. Ayon kay Tess, 

“Passion ko kasi talaga ang mga programang may kinalaman sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga underserved areas lalo na kung ang mga nakatira’y katutubo. Kaya nung sinabihan ako kung gusto kong lumipat sa Malaria [project], talagang hindi ako nagdalawang isip. Sobrang nagpapasalamat ako na nalipat ako kasi kahit papaano magagamit ko pa rin ang profession ko [bilang nars].”

Pinapangarap ni Tess ang patuloy na pag-unlad ng mga komunidad na hinawakan niya, hindi lamang sa aspeto ng kalusugan kundi pati na rin sa edukasyon. Nais niya na makayanan ng mga katutubo na pangalagaan ang kanilang kalusugan at makapag-aral ang mga kabataan. 

Mahirap ang trabaho ng PO ngunit nalulugod ang puso ni Tess na makita ang pag-unlad ng komunidad. Nais niyang ipaabot sa mga bagong POs ang kahalagahan ng katibayan ng loob at malasakit sa kapwa sa kanilang mga gawain. Kailangan rin laging tandaan ang katapatan, integridad, at pagpapahalaga sa kapwa na siyang kabilang sa core values ng PSFI.

Para sa kadagdagang impormasyon tungkol sa programang MAM, bisitahin ang MOVEMENT AGAINST MALARIA – Pilipinas Shell Foundation, Inc.

 

Related stories:

Neighbors for Nature: PSFI and SPC Join Puerto Princesa to Restore Balance at the 40th International Coastal Cleanup

Hundreds of volunteers gathered at the Puerto Princesa Baywalk for the 40th International Coastal Cleanup, joining hands to protect the sea that sustains their community. Pilipinas Shell Foundation, Inc. (PSFI), together with Shell Pilipinas Corporation (SPC) and local partners, helped remove litter and restore the bay’s natural balance through collective action and symbolic “MudBall” drops. The cleanup highlighted how unity, care, and shared responsibility can turn small acts into waves of change for a cleaner, more resilient Puerto Princesa.

Standing as a Good Neighbor: PSFI and Shell Pilipinas Corporation Bring Relief to Families in Pasacao

When Severe Tropical Storm Opong struck Bicol, families in Pasacao, Camarines Sur sought refuge from uncertainty. Standing true to its mission of being a good neighbor, Pilipinas Shell Foundation, Inc. (PSFI) joined hands with local partners to deliver essential relief packs and comfort to affected families. Guided by compassion and the spirit of bayanihan, PSFI showed that hope thrives when communities come together in kindness and solidarity.

A Decade of Service: Edong’s Journey with PSFI in Palawan

For nearly a decade, Edong served as a dedicated Program Officer with PSFI in Palawan, working hand in hand with communities through programs that uplift livelihoods and protect the environment. From supporting indigenous peoples to planting mangroves along the coasts of Puerto Princesa and El Nido, his journey reflects resilience, humility, and hope. As he steps away to focus on healing and new dreams, Edong leaves behind a living legacy etched in the people and places he helped transform.

BiyaHERO Program: Road Safety for Community Empowers Batangas Volunteers

The BiyaHERO Program: Road Safety for Community is empowering Batangas volunteers to become champions of safer roads. Through training sessions led by the Batangas City TDRO and supported by PSFI, parents, educators, and local leaders gained knowledge on traffic laws, road safety practices, and community-based solutions. With new mentors ready to cascade learnings across TALIM barangays, BiyaHERO strengthens the call that road safety is a shared responsibility and a collective journey toward protecting lives.

Planting for the Future: 3rd Mangrove Planting Held in Barangay Bagong Silang

The coastline of Barangay Bagong Silang in Palawan came alive as Pilipinas Shell Foundation, Inc. (PSFI), together with partners and nearly 200 participants, planted 200 Pagatpat mangroves in its 3rd Mangrove Planting Activity. With the theme “Bakawan ay ating Palaguin, Kaagapay ito ng Buhay Natin,” the event highlighted the vital role of mangroves in protecting marine life, sustaining fisherfolk livelihoods, and strengthening communities against climate change.