Stories of inspiration

Pagsusumikap ng Isang Ama

Mahigit tatlong dekada nang naglilingkod si Rene sa Shell. Mula sa mahirap na pamumuhay sa Surigao, nangarap at nakipagsapalaran siya sa Marikina, at doon na rin nagkaroon ng pamilya. Nagsimula siyang magtrabaho sa Twinhearts Shell sa Quezon City bilang isang gasoline boy noong 1994.

Bilang haligi ng tahanan na nagmula sa kahirapan, hindi niya sinasayang ang bawat oportunidad na ipinagkakaloob sa kanya. Noong 2006, nabigyan siya ng pagkakataong maging scholar ng Gas Mo Bukas Ko (GMBK) Program ng Pilipinas Shell Foundation sa Automotive Mechanic course. Lumaki ang kanyang kumpyansa sa sarili noong matapos niya ito.

Ngunit tulad ng ibang breadwinner ng pamilya, may mga pagkakataong kailangang isakripisyo ni Rene ang kanyang personal na pangarap upang masuportahan ang lumalaking pamilya. Hindi man niya naipagpatuloy ang kagustuhang maging mekaniko dahil sa pangambang malipat ng estasyon, nanatili siyang positibo sa kanyang araw-araw na trabaho.

Nagagamit pa rin naman niya ang lumagong kaalaman sa Automotive Mechanics.

Bumibilib ang kanilang customer sa tama niyang mga payo kaya’t patuloy silang bumabalik. Dahil sa maraming oportunidad at training, siya ay napagkatiwalaan bilang lead supervisor.

Sa paglipas ng panahon, nakita niya ang bunga ng kanyang sakripisyo. Ngayon, naipatapos na niya ang pag-aaral ng dalawa sa kanyang anak, ang isa ay nasa pangalawang taon na ng kolehiyo. Dati di’y nangungupahan laming sila, ngunit ngayo’y nakapagpundar na rin siya ng kanilang sariling tahanan at dalawang motor.

Sa kanyang 30 taong pagseserbisyo ay nakabuo siya ng matibay na pagsasamahan sa mga katrabaho. Malaking pasasalamat niya sa kanilang Shell Dealer na sina Marko Medardo M. Laqui at Rowena C. Laqui sa kanilang husay at magandang pakikitungo sa kanilang mga empleyado. “Naging pamilya ko na rin sila,” aniya.

Payo ni Rene:

“Sa mga anak na nabibigyan ng pagkakataon, wag nilang sayangin ang oportunidad na ibinibigay ng mga magulang. Mahalin ang kanilang mga magulang para sa kanilang kapakanan.”

Kasabay ng sipag at tiyaga, mahalaga ang mga oportunidad na tutulong paunlarin ang pamumuhay ng mga nagsusumikap na Pilipino. Sa pamamagitan ng partnership ng PSFI at Shell sa mga programang tulad ng Gas Mo, Bukas Ko at Unlad sa Pasada, libreng nakakapagsanay ang mga masisipag na station staff at public drivers bilang mga iskolar sa kanilang napiling TVET course.

Mula noon hanggang ngayon, kasama ang mga dedikado at masisipag na ama, patuloy ang PSFI na susuporta sa pagtupad ng mga pangarap.

#FilipinoForward #PilipinasShellFoundation

Related stories:

Sama-samang Pagsulong ng mga Magsasaka ng El Nido

Binibigyang halaga ng PSFI ang organikong pagsasaka dahil nakabubuti ito sa kalikasan at sa kalusugan ng parehong mamimili at magsasaka. Dahil dito, inilunsad ang programang Shell Training Farm (STF) para sa mga magsasakang nais matutunan ang organikong agrikultura at pagnenegosyo nito.

Kabilang si Sylvina Rodriguez sa mga kalahok ng STF sa El Nido, Palawan. Pinili niya ang paggamit ng organikong pamamaraan sa pagsasaka para makatulong sa pag-angat ng kalidad ng produkto ng kanilang kooperatiba. Sa gayon, makikilala ang magandang ani mula sa mga magsasaka ng El Nido.

Higit sa mga Hadlang

Higit sa mga hadlang– ‘yan ang pinatunayan ni Nerma Abayon o mas kilala bilang Sining, isa sa mga boluntaryo ng Movement Against Malaria (MAM) ng Pilipinas Shell Foundation, Inc. (PSFI).

Sa puso niyang nakikibaka, hindi balakid ang pagkaputol ng paa upang ipagpatuloy ang kanyang adbokasiya at pagsisilbi sa kapwa.

Paano mahigitan ang ating mga hadlang? Basahin:

Ang Tamis ng Tagumpay!

Matamis ang lasa ng tagumpay para kay Jona, isang caddy, na nagawang iangat ang simpleng hilig at pagkatuto sa pagbe-bake tungo sa isang umuunlad na negosyo ng cake.

Brewing Success: Gina Diaz and the KALIPI Poro Women

Feats of success and triumphs over challenges are well worth celebrating, but so is the courage to venture into the unknown. In honor of National Women’s Month, PSFI celebrates inspiring women like Gina, the founding president of KALIPI Poro.

The Story of a Strong, Independent Woman and Her Supportive Partner

An empowered career woman finds joy and a warmed heart in a partner who understands and supports her deeply. Surexion (Rex) Almeria, known for his vibrant sense of humor and fervent respect for his partner, became an instant source of comfort and happiness for Sherylyn (She) Almeria, who was two years his senior. Both are PSFI Gas Mo, Bukas Ko (GMBK) scholars whose partnership is as dynamic as the engines that power long rides.