Stories of inspiration

Sama-samang Pagsulong ng mga Magsasaka ng El Nido

Masasabi na agrikultura ang pinakamahalagang sektor ng ating ekonomiya sapagkat binubuhay nito ang milyun-milyong Pilipino. Ayon sa datos ng United Nations World Food Programme (WFP), humigit kumulang sampung milyon ang naghahanap-buhay bilang magsasaka habang umaasa ang mahigit 100 milyong katao sa kanilang mga produkto. Sa kabila nito, kulang ang pagbibigay ng pansin sa mga suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura. Habang dumarami ang populasyon, nananatiling maliit ang kita, kulang ang kapital, at nahuhuli ang teknolohiya ng maraming magsasaka.  

 

Itinaguyod ng Pilipinas Shell Foundation ang Shell Training Farms (STFs) sa iba’t ibang probinsya upang makatulong sa mga magsasaka at matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Isa si Sylvina Rodriguez sa mga magsasakang kasapi ng Asosasyon ng Mga Magsasaka at Mangingisda sa Munisipyo ng El Nido (AMMMENI), na mahigit tatlong taon nang kasangga ng PSFI sa pagpapaunlad ng agrikultura sa El Nido. 

Nagsimulang magsaka at magtanim ng gulay si Sylvina noong 2020. Ginawa niya ito upang suportahan ang pang araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya na binubuo ng kanyang asawa’t apat na anak. Sumali si Sylvina sa STF para mapalawak ang kaniyang kaalaman sa organikong pagsasaka, o ang paraan ng pagsasaka na nagbubunga ng masaganang ani at hindi mapaminsala sa kalikasan. Ninais rin niyang ibahagi sa mga kasama sa asosasyon ang mga natutunan niya sa mga pagsasanay ng STF nang sama-sama silang matuto at umangat. 

 

Dumami pa ang mga programa sa El Nido na katuwang ng mga layunin ng STF, na sinalihan rin ni Sylvina. Inilunsad ang El Nido Food Terminal (ENFT) at binuo ang El Nido Agriculture Cooperative (ENAC) upang diretsong maihatid sa mga mamimili ang mga prutas at gulay na tinanim at inani mismo ng kooperatiba. Sa gayon, direktang sinusuportahan at tinatangkilik ang produkto ng mga magsasakang tulad ni Sylvina.

 

Sa kabila ng mga tagumpay na kanilang nakamit, mayroon pa rin na mga problemang hinaharap ang mga magsasaka ng AMMMENI. Kakulangan ng binhi, pagtaas sa presyo ng organikong pataba, at kakulangan sa materyales para sa pagpapatubig ang mga karaniwang suliranin na dinaranas ng mga magsasaka. Ngunit nananatiling matatag ang loob ni Sylvina sa kabila ng mga nito.

Bukod sa pagyaman ng kaalaman ukol sa pagsasaka, tumaas daw ang kanyang kumpyansa sa sarili mula noong sumali siya sa STF. Ayon kay Sylvina, lalo pa siyang umaasa na umangat ang buhay ng mga magsasaka sa kanilang lugar. Sama-samang nagsusumikap ang mga magsasaka ng El Nido at nariyan ang PSFI na handang tumugon sa mga pangangailangan nila. Bilang halimbawa, tinuruan sila ng organisasyon kung paano gumawa ng sariling organikong pataba para hindi na bumili nito. Inaasahan ni Sylvina na magpatuloy ang PSFI sa pagtulong sa magsasakang Pilipino. 

Bilang taga-El Nido, inaasahan niya ang pag-unlad ng kanyang komunidad. Pangarap ni Sylvina na mapalago ang pagsasaka at maibahagi pa sa mas marami ang kanyang mga natutunan mula sa mga programa ng PSFI. Sa ganitong pagsisikap humuhusay ang lokal na produkto at tumataas ang kanilang kita. Bilang ina at asawa, pinapangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral ang mga anak at magkaroon sila ng maayos na pamumuhay. 

 

Payo ni Sylvina sa kanyang mga kapwang magsasaka na huwag ikumpara ang trabaho sa iba. Sipag at tiyaga ang kinakailangan upang makamit ang tagumpay. 

Pagtangkilik sa produktong Pilipino at pagtugon sa pangangailangan ng mga manggagawa ang kailangan para sa pag-asenso ng pambansang ekonimiya. Kinikilala ng Pilipinas Shell Foundation ang halaga ng bawat magsasaka at ang ambag nito sa sektor ng agrikultura. Bukod sa tulong na idinudulot ng Shell Training Farms, tinutugunan ng PSFI ang iba’t ibang pangangailan ng mga komunidad na kinabibilangan nito.

 

Tuklasin ang mga program ng PSFI sa  https://pilipinasshellfoundation.org/our-work-programs/

 

#MasaganangAgrikultura  #PilipinasShellFoundation  #FilipinoForward

Related stories:

Pagsusumikap ng Isang Ama

Ngayong Fathers’ Day, ating ipinagdiriwang ang mga ama at mga tumatayong ama na nagsusumikap mapabuti ang buhay ng kanilang mga pamilya.

Tulad ni Rene Luarez, isang Gas Mo Bukas Ko (GMBK) scholar, marami sa kanila ang sinasamantala ang mga oportunidad ng Technical and Vocational Education and Training (TVET) upang makakuha ng mas mataas na antas ng kasanayan sa kanilang napiling larangan. Hindi lamang pinapaganda ng TVET ang mga karera, pinapalakas din nito ang mga komunidad at ekonomiya.

Basahin ang kwento ni Rene at kung paano niya binago ang kanyang buhay at ang kinabukasan ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagsusumikap at mga oportunidad na hatid ng mga pagsasanay mula sa Shell at PSFI.

Higit sa mga Hadlang

Higit sa mga hadlang– ‘yan ang pinatunayan ni Nerma Abayon o mas kilala bilang Sining, isa sa mga boluntaryo ng Movement Against Malaria (MAM) ng Pilipinas Shell Foundation, Inc. (PSFI).

Sa puso niyang nakikibaka, hindi balakid ang pagkaputol ng paa upang ipagpatuloy ang kanyang adbokasiya at pagsisilbi sa kapwa.

Paano mahigitan ang ating mga hadlang? Basahin:

Ang Tamis ng Tagumpay!

Matamis ang lasa ng tagumpay para kay Jona, isang caddy, na nagawang iangat ang simpleng hilig at pagkatuto sa pagbe-bake tungo sa isang umuunlad na negosyo ng cake.

Brewing Success: Gina Diaz and the KALIPI Poro Women

Feats of success and triumphs over challenges are well worth celebrating, but so is the courage to venture into the unknown. In honor of National Women’s Month, PSFI celebrates inspiring women like Gina, the founding president of KALIPI Poro.

The Story of a Strong, Independent Woman and Her Supportive Partner

An empowered career woman finds joy and a warmed heart in a partner who understands and supports her deeply. Surexion (Rex) Almeria, known for his vibrant sense of humor and fervent respect for his partner, became an instant source of comfort and happiness for Sherylyn (She) Almeria, who was two years his senior. Both are PSFI Gas Mo, Bukas Ko (GMBK) scholars whose partnership is as dynamic as the engines that power long rides.